7
At nagsipagsalita sa kaniya, na nagsipagsabi, Kung ikaw ay magiging lingkod sa bayang ito sa araw na ito, at maglilingkod sa kanila, at sasagot sa kanila, at magsasalita ng mabuting mga salita sa kanila, ay iyo ngang magiging lingkod sila magpakailan man.
10
At ang mga binata na nagsilaking kasabay niya ay nagsipagsalita sa kaniya, na nagsisipagsabi, Ganito ang iyong sasabihin sa bayang ito na nagsalita sa iyo, na nagsasabi, Pinabigat ng iyong ama ang atang sa amin, nguni't pagaanin mo sa amin; ganito ang iyong sasalitain sa kanila, Ang aking kalingkingan ay makapal kay sa mga balakang ng aking ama.
16
At nang makita ng buong Israel na hindi sila dininig ng hari, ay sumagot ang bayan sa hari, na nagsasabi, Anong bahagi mayroon kami kay David? at wala man kaming mana sa anak ni Isai: sa iyong mga tolda, Oh Israel: ngayon ikaw ang bahala ng iyong sariling sangbahayan, David. Sa gayo'y yumaon ang Israel sa kanikaniyang tolda.
21
At nang dumating si Roboam sa Jerusalem, kaniyang pinisan ang buong sangbahayan ng Juda, at ang lipi ni Benjamin, na isang daan at walong pung libo na piling lalake, na mga mangdidigma, upang magsilaban sa sangbahayan ng Israel, upang ibalik ang kaharian kay Roboam na anak ni Salomon.
32
At si Jeroboam ay nagpadaos ng isang kapistahan nang ikawalong buwan, sa ikalabing limang araw ng buwan, gaya ng kapistahan sa Juda, at siya'y sumampa sa dambana; gayon ang ginawa niya sa Beth-el, na kaniyang hinahainan ang mga guya na kaniyang ginawa: at kaniyang inilagay sa Beth-el ang mga saserdote sa mataas na dako, na kaniyang mga inihalal.